Magtipid -- Kada tawad, hulog.

Ang pagpapaunlad sa ating kabuhayan ay hindi lamang sa pamamagitan ng income, dapat din natin samantalahin ang mga pagkakataon na magkaroon ng savings. Isa sa mga paraan para makapagtabi ng pera ay ang pagtitipid. Ang bawat pisong hindi mo gagastusin ay maiidagdag mo sa mga susunod na pangangailangan.

Kung may budget kang P250 para pamalengke araw-araw, ang maliliit na discount o tawad ay malaking kontribusyon na sa iyong iniipon. Ganun din sa lahat ng mga gastusin. Ugaliin mong itago, sa halip na gastusin, ang presyo na natawaran mo sa iyong pagbili. Ihulog mo sa alkansya ang bawat sentimong natitipid mo dahil sa pagtawad. Kung ang binibili mo ay may halagang P10 pero natawaran mo nang P9, ihulog mo sa alkansya ang piso. Mukhang maliit lang ang piso, pero kapag lumaki na ang ipon mo dahil sa ganitong habit, makikita mo kung gaano kalaking pagkakaiba ang nagagawa nito sa iyo.

Dati, sa kagustuhan kong makatipid sa binibili kong e-load, bumili ako ng sarili kong retailer sim. More than 10% ang nasi-save ko, at pwede pa akong kumita dahil may pambenta akong load. Pero mas gusto ko pang makatipid, kaya nag-register ako bilang subdealer. Discounted na ako sa kikitain sana ng retailer, tangay ko pa pati kikitain sana ng subdealer. Malaking savings na rin yun, lalo na kung regular kang mag-load. Kung hindi mo ito gagawin, walang discount na maibibigay sa iyo ang suking tindahan mo. Hindi naman pwedeng, "Pabili ng P30 load...P29 na lang, ha!" Baka sa susunod na bili e lagi nang walang load dahil ayaw ka nang pagbilhan.

Ngayon, gumagamit ako ng VMobile account para makatipid sa load. Humigit kumulang 10% ang natitipid ko sa binabayaran kong load, at pwede rin akong mag-load sa iba (kahit anong network) na parang meron akong retailer sim. Sa bawat matitipid mong pera ay palaki nang palaki ang maiipon mo sa katagalan.

No comments:

Post a Comment